Eksplorasyon kuno.

Ang buhay ay maraming katanungan. Kung minsan ay ganito, ganyan, paano at kung minsan pa nga eh, saan. Pero hindi mo ito kailangan sagutin.Minsan ang kailangan mo lang ay intindihin ito.



Feeling ko kelangan ko  nang magsulat. Feeling ko sa hinaba haba ng mga taon eh, sa wakas naramdaman ko na rin ang urge na magsulat. Kahit ano. Kahit saan. Kahit kailan. Hindi sa dahil punong-puno na nang ideya ang kinakalawang kong utak. O dahil sa may "Inspirasyon" ako ngayon. Kung 'di dahil sa tingin ko ay marami akong gustong maikwento ngayon. Sa sobrang dami at sabay-sabay kung dumating, ang mga ideya ay mahirap nang isa-isahin at himayin ang mga kwentong tumatak na sa aking isipan at bumabagabag noong nakaraang araw pa.

Hay, ang hirap talagang maging manunulat. Kung sa doktor kapag nakatagpo na nang "Eureka" ay kelangan laging may dalang recorder para magkaroon nang tala nang datos, sa manunulat naman kelangan hindi nahihiwalay sa panulat at papel( kahit sa pagtulog, lalo na kapag interesting ang panaginip) dahil ang mga ideya ay kasing bilis lang kumagat tulad ng mga lamok. Yun na nga e nakagat na, ang kailangan mo na lang ay kunin pa ang katas nito para maging sining. Kaya lang sa ga-segundong  pagdapo at pagsipsip o kung kagat nito ay hindi mo naman ito mahabol agad. Sakit sa ulo.sakit sa bangs ng mga Ideya. Lalo na't once in a blue moon lang ito magparamdam.Swerte ka nalang talaga kung sinipag ang utak mong dirediretso kang suplayan ng ideya.Aba ikaw na ang pinakaswerteng tao sa larangan ng pagsulat.

Pero syempre bilang manunulat, isa lang ito sa mga salik na kailangang kailangan kapag nagsusulat.Akala nila siguro sulat lang kami nang sulat. Pero hindi syempre, kelangan at laging payo sa amin nang aming mga guro at mga batikang manunulat ay:

 Una, magsulat ka nang malapit sayo. Meaning dapat personal.Hindi ibig sabihin ikaw agad ng first person.O ang persona.Pwede ding tauhan. Ibig sabihin lang naman nito ay yung nga bagay o tao na nakaapekto sayo bilang TAO.

Pangalawa, magsulat ka tungkol sa paligid mo. Malaki ang espasyo mula sa bahay nyo hanggang sa eskwelahan mo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabing ito ni Sir Jun Cruz Reyes. Oo, inaamin ko nasindak talaga ako sa kanya kaya siguro natandaan ko halos lahat ng sinabi niya nung unang workshop. Pero ang nakakatuwa ay totoo naman na bakit lalayo ka pa e andyan na yung istorya sa harapan mo. Lahat naman nang bagay sa mundo may istorya. Lahat kakaiba.

Pangatlo, Learn to live with your CR. Cristicism and Rejection. Halos lahat ng estudyante ng MP ay siguradong ito angf inaalala sa tuwing may workshop. Sige na nga, inaamin ko na rin na lahat talaga kami ay mayabang(Oo nalang kayo guys.) Siguro, dahil malaki ang tiwala namin sa aming mga akda na makapagbabago ito nang ilang mga norms sa ating lipunan. Yung iba naman ay sadyang mayabang lang. Pero basta  mahalaga yang quote unquote na yan pampakalma nang kalooban habang isa-isang nilalait nang mga kaklase mo ang iyong mga akda.

Ika-apat. Wag kang maghanap at maghintay nang Inspirasyon bago magsulat, dahil ang tunay na insirasyon ay yung mga isusulat mo. Magulo no? Ako din e, naguguluhan sa quote unquote ni Lualhati Bautista pero ewan ko ba tumatak talaga siya sa aking isipan.Marahil siguro,talagang nung mga time na 'yon eh wala talaga akong matatawag na "Inspirasyon" kaya naabsorb ko siya nang mabuti. Hehe.


Ang totoo niyan lahat nang isinulat ko ngayon ay piskyon. Joke! hehe
Nakakatawa ang dapat sanang pag-lalabas ko lang ng sama nang loob e nagmistulang
"Tips of the day" post. Hay buhay kapag talaga nagsimula ka nang magsulat eh wala nang tigil ito. Kahit anung oras, Tulad ngayon, Alas-dose na at gising pa ko. Sa susunod na post ko nalang isusulat yung kasuod na bahagi nito,

Comments

Popular posts from this blog

oH Hi Ideas! There you are!